this can help in the long test :) its the summary of the power points of ms. ruiz :p
---------------------------------------------------------------------
1. Ano ang kasaysayan?
• Isang kawiliwiling paksa, ito ang pundasyon at balangkas na kinasasaligan ng mga agham panlipunan at humanides.
• Tumatalakay sa mga pangyayaring tunay na naganap. May pinangyarihan, may sanhi ng pangyayari at may panahon.
• Tumatalakay sa kasaysayan ng lahi, gayun din ang damdamin, saloobin, kaugalian at tradisyon ng mga tao o iba’t ibang lahi sa mundo.
• Mga mahahalagang pangyayari na naging bahagi ng nakalipas na panahon.
• Batayan ng pagkakakilanlan ng isang lahi.
• Ang nakaraan ng tao na patuloy na nag-uugnay sa kanyang hinaharap.
2. Paano ang pangyayari ay nagiging isang kasaysayan?
• May sapat na batayan
• May ebidensya at mga katunayan na naganap ang mga pangyayari
• Nabuhay ang taong nabanggit at nabigyang diin ang mga bagay na nais ipaliwanag
3. Anu-ano ang mahahalagang salik sa pagbuo ng kasaysayan?
• Tao; lugar; panahon; pangyayari
4. Anu-ano ang kasanayang matatamo sa pag-aaral ng kasaysayan?
• Mahusay na pag-unawa sa pagkakabuo ng mga kabihasnan, pagmamahal sa lahi at panata
• Pagsasapuso ng paggalang sa mga pinuno na nanindigan sa kanilang mga katwiran sa ngalan ng batas, kaayusan at katotohanan.
• Pagtanggap ng pananagutan kapalit ng karapatang tinatamasa sa demokrasya.
• Ang wastong paglinang, paggamit at pangangalaga ng mga likas na yaman.
• Pagpapahalaga sa damdaming makabansa.
5. Anu-ano ang mga batayan sa pag-aaral ng kasaysaysan?
• Batayang Primarya
- ang orihinal na batayan ng kasaysayan.
- kabilang ang mga “artifacts” tulad ng:
a. barya
b. armas pandigma
c. gusali
d. monumento
e. kagamitan
f. labi ng tao o hayop
• Batayang Sekundarya
- mga batayang hinango lamang sa batayang primarya tulad ng:
a. mga aklat
b. magasin
c. kwento
d. awit
e. tula
6. Mga Agham Panlipunan na may kaugnayan sa pag –aaral ng kasaysayan:
• Agham Pulitikal – pagtalakay ukol sa batas
• Antropolohiya – nagsusuri ng kultura mayroon ang nakalipas batay sa mga artipaktong nakalap
• Arkeolohiya – nangangalap ng mga labi at nagsusuri ng katuturan nito sa nakalipas
• Ekonomiks – nagsusuri ng kalagayang pangkabuhayan, mga dahilan ng pag-unlad at pagbagsak ng kabuhayan
• Heograpiya
• Pag-aaral tungkol sa kabuuang katangian ng daigdig – ang mga pagkakabahagi nito sa kontinente, bansa at rehiyon, anyong lupa, anyong tubig, uri ng pamumuhay at mga tao sa iba’t ibang bahagi nito
• Nagmula sa salitang griyego na “GAE” at “GRADDS” na nangangahulugang daigdig at paglalarawan o pagtatala
• Kaugnayan ng heograpiya sa kasaysayan:
• Nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at ang kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook
• Ang mga hayop at halamang nangabuhay sa isang pook ay ayon pa rin sa klima at panahon
• Itinatakda sa pag-aaral ng heograpiya ang uri ng hanapbuhay, tirahan at pananamit ng tao.
7. 2 panahon ng kasaysayan
• Pre-historic: Panahon ng kasaysayan na ang mga pangyayari ay di pa naitatala
• Historic: Panahon ng kasaysayan na ang pangyayari ay naitala o naisulat
----------------------------------------------------------------------------------------
Mga pananaw sa pinagmulan ng daigdig
1. Batay sa Teolohiya -nakasaad sa bibliya at matatagpuan sa Genesis.
Batay sa Mito
Pilipinas
nagmula ang lahat sa isang Dakilang lumikha
India
paniniwala ng Hindu ukol sa Trimurti – ang banal na Trinidad
Tsina nagmula ang lahat sa manlilikhang si Pangu o Pan Ku
Ehipto
Nu – ang di umaagos na karagatan kung
saan nabuo ang burol kung saan ngayon nakatayo ang kauna-(unahang templo ng mga Ehipto)
Gresya
Erebus at Gabi –isinilang si Pag-ibig (kaayusan), sumbol si Liwanag at Araw—lumitaw si Gae (daigdig), isinilang si Uranus (kalangitan) dito nagmula ang sandaigdigan at sangkatauhan
Amerika Dakilang Manlilikha Innua (eskimo)
Batay sa agham
· Teoryang Big Bang – (Fred Hoyle -1950 Amerikanong astronomo) -Mula sa pagsabog ng iisang hydrogen mass na kumawala sa kalawakan nabuo ang galaxy, solar system at iba pa.
· Teoryang Nebular – ( Immanuel Kant- pilosopong Aleman -1755) -Mula sa malaki, mainit at umiikot na nebula
-Sinang-ayunan ni Pierre Simon de Laplace – isang Pranses, mathematician, physicist at astronomo
· Planetissimal – ( Forest Ray Moulton – astronomo, Thomas Chrowder Chamberlin- heologo -1895)
-ang pagdaan ng isang bituin malapit sa araw
· Tidal (James Jeans at Harold Jeffreys – Britanya – 1918)
-pagkalikha ng malaking alon bunga ng pagdaan ng bituin sa araw
------------------------------------------------------------------------------
-longtest one coverage goodluck :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment